Posts

Reaksyong Papel

 REAKSYONG PAPEL TUNGKOL SA AKDANG             "MINSAN MAY ISANG DOKTOR"       Ang akdang "Minsan May Isang Doktor" na salin ni Rolando A. Bernales ay isang nakakaantig na kwento na sumasalamin sa dedikasyon at sakripisyo ng isang doktor sa kabila ng mga personal na pagsubok. Ipinapakita sa kwento ang pagpapahalaga ng doktor sa kanyang propesyon at ang mga hindi inaasahang kaganapan na nagiging bahagi ng kanyang buhay. Sa kabila ng mga personal na pagdadalamhati na kanyang nararanasan, patuloy niyang isinasagawa ang kanyang tungkulin upang magpagaling ng pasyente at magbigay ng pag-asa sa mga nangangailangan.      Nagsimula ang lahat nang makatanggap ang doktor ng isang tawag mula sa ospital para sa isang biglaang operasyon ng isang pasyente. Dahil sa pagmamadali, agad siyang nagtungo sa surgery block ng ospital. Nakita niya ang ama ng pasyenteng bata at bigla na lang siyang hinarap ng galit na ama ng pasyente. S...