Reaksyong Papel

 REAKSYONG PAPEL TUNGKOL SA AKDANG 

           "MINSAN MAY ISANG DOKTOR" 




     Ang akdang "Minsan May Isang Doktor" na salin ni Rolando A. Bernales ay isang nakakaantig na kwento na sumasalamin sa dedikasyon at sakripisyo ng isang doktor sa kabila ng mga personal na pagsubok. Ipinapakita sa kwento ang pagpapahalaga ng doktor sa kanyang propesyon at ang mga hindi inaasahang kaganapan na nagiging bahagi ng kanyang buhay. Sa kabila ng mga personal na pagdadalamhati na kanyang nararanasan, patuloy niyang isinasagawa ang kanyang tungkulin upang magpagaling ng pasyente at magbigay ng pag-asa sa mga nangangailangan.


     Nagsimula ang lahat nang makatanggap ang doktor ng isang tawag mula sa ospital para sa isang biglaang operasyon ng isang pasyente. Dahil sa pagmamadali, agad siyang nagtungo sa surgery block ng ospital. Nakita niya ang ama ng pasyenteng bata at bigla na lang siyang hinarap ng galit na ama ng pasyente. Sa kabila ng matinding galit na ipinakita ng ama, ay nanatili ang malalim na pag-unawa at pagpapakumbaba ng Doktor.


     Matapos ang ilang oras na operasyon, lumabas ang doktor mula sa operating room na may magandang balita—ang pasyente ay nailigtas. Ngunit dahil sa pagmamadali ng doktor, hindi na siya nakapagbigay ng pagkakataon para hintayin ang ama ng pasyente. Iniwan na lang niya sa nars kung mayroon itong katanungan, at nagmadali siyang umalis ng ospital. Pagkaalis nitoy sinabi ng ama sa Nars ang pagkaarogante ng doktor dahil Hindi man lang ito nakapagtanong tungkol sa kalagayan ng kaniyang anak.


    Ibinahagi ng nars ang isang malupit na katotohanan—kamakailan lamang ay namatay ang anak ng doktor dahil sa isang aksidente, ang oras din nung ipinatawag siya kahapon para sa isang operasyon. Dahil dito, nagmadali ang doktor upang magsagawa ng operasyon para sa buhay ng ibang tao, ngunit siya rin ay nagmamadali upang magpunta sa burol ng kanyang anak. Ang kwento ay nagpapakita ng sakripisyo, dedikasyon, at kahalagahan ng pag-unawa sa mga nararamdaman ng iba, lalo na sa mga propesyunal tulad ng mga doktor.


    Sa kabuuan, ang "Minsan May Isang Doktor" ay isang makapangyarihang kwento na nagtuturo ng halaga ng malasakit, pagpapakumbaba, at dedikasyon sa ating mga tungkulin, lalo na sa mga propesyon na may kinalaman sa kalusugan at buhay ng tao. Ipinakita ng doktor sa kwento na kahit sa gitna ng personal na sakripisyo, kailangan pa rin niyang magsagawa ng kanyang tungkulin nang buong puso. Sa ganitong paraan, napapaalala sa atin ang kahalagahan ng empatiya at pagpapakita ng malasakit, hindi lamang sa ating mga kapwa, kundi pati na rin sa ating sarili, lalo na sa panahon ng pagsubok.



 Ang kwentong ito ay isinalin ni Rolando A. Bernales at kinuha mula sa aklat nina Bernales, et al.,pp. 23-24.

Comments